Nakatakdang dumaong o magsagawa ng port call sa pantalan sa Maynila ang warship ng France na Navy destroyer Lorraine mula Hunyo 23 hanggang 29 ayon sa kumpirmasyon ng Embahada ng France.
Magsasagawa rin ito ng ilang cooperation activities at high level professional exchanges sa mga awtoridad ng Pilipinas sa stopover nito sa bansa.
Isasagawa ang port call sa official visit ni French Armed Forces in the Asia-Pacific Zone joint commander Rear Admiral Geoffroy dAndigne sa bansa.
Ang nasabing mga aktibidad ay bilang pagpapakita ng interoperability at kapatiran sa pagitan ng dalawang armed forces.
Layunin din nito na makapag-ambag sa regional security sa pamamagitan ng pagpapakita ng assets sa mga isla sa rehiyon o mula sa Europa.
Ang navy destroyer Lorraine ay ang ika-8 at huling anti-Submarine Warfare destroyer ng France.
Dinisensyo ito para sa aircraft carier escort, anti-submarine warfare at paglaban sa air threats.
Ang Lorraine ay kasalukuyang nasa Red Sea para suportahan ang EU NAVFOR ATLANTE operation na tumutulong sa pagpapalikas ng mga Sudanese nationals at iba pang mga lahi mula sa labanan sa Sudan.