curry thompson warriors
‘Splash Brothers’ Stephen Curry and Klay Thompson (photo from @warriors)

Nakatutok ngayon ang atensiyon ng maraming Golden State Warriors fans kay Klay Thompson para maipanalo ang Game 6 Finals nila laban sa Toronto Raptors.

Siya kasi ang inaasahan na magiging malaking tulong kay Stephen Curry para mapilitang dalhin sa Game 7 ang laban.

Noong Game 5 ay nakagawa ng 20 three-points ang warriors na mayroong 47% beyond the arc shooting.

Magugunitang hindi nakapaglaro sa Game 3 si Thompson dahil sa hamstring strain injury.