KALIBO, Aklan — Arestado ang isang lalaki na may kasong human trafficking matapos ang isinagawang operasyon ng Malay Municipal Police Station.

Kinilala ang na si Kevin Martin, 27, residente ng Sitio Tulubhan, Brgy. Manocmanoc, Boracay na may warrant of arrest sa kasong human trafficking na ipinalabas ni Judge Bienvenido P. Barrios, Jr. Presiding Judge ng 6th Judicial Region Branch 3, Kalibo, Aklan na may petsang Agosto 28, 2019.

Nangyari ang operasyon dakong alas-11:30 ng umaga sa bahay ng suspek.

Base sa report, nagsagawa ng follow-up operation ang pulisya laban kay Martin matapos makatanggap ng impormasyon sa kanyang kinaroroonan.

Walang itinakdang piyansa ang korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan.