ILOILO CITY – Matapos ang isang dekadang pagtatago, naaresto na ang isang lalaki sa Guimaras na nahaharap sa kasong rape.

Ang suspek ay nagngangalang Del Mark Gonzaga, 28-anyos na residente ng Barangay Barosong Tigbauan, Iloilo.

Ang biktima naman ay si alyas Gema, menor de edad at residente ng Nueva Valencia, Guimaras.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Police Lt. Val Cambel, hepe ng Sibunag Municipal Police Station, sinabi nito na bagong kasal lang si Gonzaga at walang ideya ang kanyang misis na may kasong rape ang kanyang mister.

Ayon sa hepe, taong 2011 pa wanted ang suspek na may dalawang bilang na kasong rape sa Nueva Valencia, Guimaras.