Reading Time: 1 minute

LA UNION – Nahaharap sa patong-patong na kasong may kaugnayan sa rape ang inaresto ng pinagsanib na puwersa ng San Fernando City PNP lead unit, Mexico Municipal Police Station, Pampanga Police Provincial Office, Police Regional Office 3 at iba pang unit ng PNP ang isang wanted person sa Barangay Madayegdeg, San Fernando City, La Union.

Nakilala ang suspek na si Rene David, 53, binata, residente ng Barangay Pandacaqui, Mexico, Pampanga.

Una rito, nagpalabas ng tatlong warrant of arrest si Presiding Judge Rohermia J. Jamsani-Rodriguez ng Regional Trial Court Branch 45, ng San Fernando City Pampanga laban sa suspek na may petsang March 9, 2019 hinggil sa kasong qualified rape, rape by sexual assault noong March 11, 2019 at Rape noong February 9, 2019.

Kung maala, minolestiya umano ng suspek ang anak ng kinakasama nito at apo nito.

Sa ngayon, nananatili pa sa kulongan ang suspek habang hinihintay ang resolusyon laban dito mula sa korte.