Wanderland
-- Advertisements --

Inanunsiyo ng organizer ng Wanderland Music and Arts Festivals na kanilang itutuloy ang 2021 event nila.

Kasunod ito sa pagkansela nila ng kanilang event ngayong taon.

Ayon sa organizers, napagdesisyunan nila na iurong ang petsa ng kanilang events para na rin sa kaligtasan ng kanilang mga dadalo.

Magugunitang kinansela nila nag kanilang event na gaganapin sana noong Marso 7 at 8 kung saan kabilang sa mga magtatanghal sana ay ang bandang Ben&Ben at Bruno Major.

Nakatakda rin silang magpamigay ng P1,000 complimentary credit para sa pambili ng mga officical festival merchandise bilang pasasalamat sa mga fans na hindi bumitiw sa kanilang events.

-- Advertisement --