Egon Cayosa
IBP President Egon Cayosa/ FB image
-- Advertisements --

Agad nilinaw ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) na walang halong politika ang naging legal opinion nila sa isyu ng Anti-Terrorism Bill.

Matatandaang hiningan ng opinyon ng Malacanang ang IBP, bago pa man magdesisyon ang Pangulong Rodrigo Duterte, kung lalagdaan o ibi-veto ang nasabing panukala.

Ayon kay IBP president Atty. Domingo Cayosa, naging objective lamang sila at sinabing may ilang probisyon na posibleng unconstitutional sa naturang bill.

Partikular na ang probisyon ukol sa warrant less arrest.

Pero una nang sinabi ng principal author ng bill na si Sen. Panfilo Lacson na sapat ang safeguards ng panukala, para hindi maabuso ng mga opisyal ng gobyerno at law enforcers.

-- Advertisement --