Reading Time: 1 minute

Kinumpirma Konsulado ng Pilipinas Indonesia na walang kababayan ang nasaktan mula sa 6.9-magnitude na lindol na tumama kahapon sa Sulawesi Island.

Sa isang panayam sinabi ni Philippine Consul General to Manado Oscar Orcine, na natawagan na nila ang resort city para malaman kung may mga Pilipinong nasaktan sa naturang lindol.

Karamihan daw kasi ng mga Pinoy na nagta-trabaho sa lugar ay guro at posibleng nagbabakasyon lang sa mga kalapit na destinasyon.

Batay sa ulat ng Indonesian geophysics agency na BMKG, may lalim na 36-kilometers ang lindol na galing mula sa ilalim ng dagat.

Sinundan din daw ito ng aftershocks.

Bagamat walang casualty na naitala ay naglabas ng tsunami warning ang ahensya para sa mga nakatira sa coastal areas.