pagasa

Matapos lumabas sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong Sarah wala na raw inaasahang papasok na bagyo sa teritoryo ng bansa sa loob ng dalawang araw.

Ayon kay DOST-Pagasa Weather Specialist Ana Clauren, wala na ring direktang epekto sa bansa partikular sa northern Luzon ang kalalabas na sama ng panahon.

Dakong alas-6:00 ng umaga nang naging tropical depression ang bagyong Sarah at naging Low Pressure Area (LPA) na lamang bago lumabas ng PAR dakong alas-8:00 ng umaga.

Pero dahil sa amihan, asahan pa rin ang mahihinang pag-ulan sa Ilocos Region, Cordillera, Cagayan Valley maging sa central Luzon.

Wala namang inaasahang pag-ulang aasahan pa sa Metro Manila.