Walang umanong namo-monitor na terror threat ang Philippine National Police (PNP) sa ikatlong State of the Nation Address (SONA) ng Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) chief C/Supt. Guillermo Eleazar, bagama’t wala silang nakukuhang impormasyon na may banta, may mga kaukulang hakbang naman silang ipinapatupad.

Inatasan na ni Eleazar ang intelligence division ng NCRPO na palakasin lalo ang kanilang intel monitoring.

Giit ng heneral, mas mabuti umanong handa ang PNP sa anumang posibleng mangyari.

Nabatid na nasa mahigit 6,000 puwersa ang ipapakalat ng PNP sa paparating na SONA.

Aniya, nakalatag na ang kanilang security preparations pero nangangailangan na lamang ito ng fine tuning.

Tututukan ng PNP ang sitwasyon sa trapiko at ang gagawing kilos protesta ng mga militanteng grupo.

Nagpulong nitong Martes ang PNP at security personnel ng House of Representatives kaugnay sa kanilang security measures na ipapatupad sa naturang okasyon.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here