Wala umanong nakitang dumi ng tao sa lugar kung saan nakuhanan ng litrato ang isang banyaga na mistulang nagbabawas sa isang receptacle sa Intramuros.

Sa pahayag ng Intramuros Administration, wala raw nakitang dumi ang kanilang team nang siyasatin nila ang area na tinatawag na Baluarte de Dilao.

Wala rin daw silang natatanggap ng beripikasong report ukol sa insidente, at hindi raw sumasagot sa kanilang mensahe ang social media user na nag-post ng larawan.

Posible rin aniya na pinapalala lang ng naturang user ang galit sa mga Chinese nationals sa bansa.

Una rito, ipinag-utos ni Manila Mayor Isko Moreno ang manhunt operation sa naturang dayuhan.