Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na walang Pilipino ang makakaranas ng kagutuman sa ilalim ng Bagong Pilipinas.
Ito ay kasabay ng pangako ng Pangulo na papasiglahin ang sektor ng agrikultura kung saan ang mga magsasaka ay bibigyan ng modernong kaalaman sa pagsasaka at sapat na suporta mula sa pamahalaan.
Sinabi ito ng Pangulo na nanguna sa ceremonial palay harvesting sa Barangau Mandili sa Candaba Pampanga kung saan namahagi din ito ng iba’t ibang mga tulong gaya ng hauling trucks, mga binhi, at pinansiyal na tulong at iba pa para sa mahigit 12,000 magsasaka at 10 mga kooperatiba at asosasyon ng mga magsasaka.
Nanawagan din ang Pangulo sa publiko na makipagtulungan na mapaunlad ang sekto ng agrikultura dahil magreresulta aniya ito sa mas magandang Pilipinas kung saan walang Pilipino ang mapag-iiwanan at nagugutom.
Samantala, pinuri naman ng Pangulo ang mga magsasaka para sa kanilang pagsisikap at dedikasyon na nagresulta sa mataas na rice production ng Pilipinas noong 2023.