Tiniyak sa publiko ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na ligtas at walang seryosong pinsala na naitala sa mga paliparan na malapit sa probinsiya ng Abrakasunod ng tumamang magnitude 6.4 na lindol.
Ayon sa inilabas na statement mula sa CAAP, walang anumang significant damage sa kanilang nasasakupan na paliparan sa Areas 1,2 at 3.
Kung saan sa CAAP Area 1 saklaw ang mga paliparan sa Laoag, Vigan, Lingayen, Baguio, Rosales, at San Fernando.
Sa Area 2 naman ang mga paliparan sa Tuguegarao, Cauayan, Palanan, Bagabag, Basco, at Itbayat.
Habang ang mga paliparan sa Plaridel, Alabat, Jomalig, Baler, Iba, Mamburao, Pinamalayan, Calapan, Wasig, San Jose, Lubang, Marinduque, Romblon, Sangley, at Cabanatuan ay sakop ng CAAP Area 3.
Ayon pa sa ahensiya na nagsasagawa na rin ng inspeksyon sa runway, gusali at imprastruktura ng Laoag Airport kung may naitalang pinsala kung saan nauna ng nag-isyu ng Notice To Airmen (NOTAM) sa naturang paliparan para pansamantalang itigil ang operasyon hanggang ngayong araw ng umaga.
Patuloy naman ang monitoring ng CAAP operations Center and Airport Safety officers sa kalagayan ng mga apektadong paliparan dahil sa inaasahang mga aftershocks.
-- Advertisements --