Hindi na mag-iisyu ng bagong permit ang Philippine National Police (PNP) para sa paggawa ng paputok.

Ayon kay PNP Chief Oscar Albayalde, ito ay bilang pagtugon sa Memorandum Order 31 na inisyu ni Pangulong Rodrigo Duterte noong October 31.

Sa nasabing memo, inatasan ng Pangulo ang PNP at ibang law enforcement agencies na istriktong ipatupad ang mga alituntunin patungkol sa paggawa, pagbebenta, at paggamit ng firecrackers at pyrotechnic devices.

Para naman aniya sa mga existing manifacturers, mahigpit na minomonitor ng Firearms and Explosives Office ang compliance ng mga ito lalo na sa mga existing regulations.

Paliwanag pa ng PNP chief, ang paglimita sa bilang ng mga firecracker manufacturers ay panimulang hakbang tungo sa possibleng total firecracker van sa hinaharap.

“Personally, the way I see it most probably papunta tayo doon,” pahayag ni Albayalde.

Siniguro nito na hindi titigil ang PNP sa paghuli sa mga gumawagawa ng mga pekeng paputok lalo’t papalapit na ang holiday season.