sal panelo spokesman
Presidential spokesman Sec. Salvador Panelo

Pinayuhan ng Malacañang ang mga kababayan na iwasan munang magpunta sa Hong Kong (HK).

Magugunitang nagkakaroon ng aberya sa mga flights papunta at palabas ng Hong Kong dahil sa kilos-protesta sa loob mismo ng airport.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, hindi tamang panahon para magpunta sa HK dahil sa nagpapatuloy na gulo at dahil marami ring kanseladong flights.

Kasunod nito, muling inihayag ni Sec. Panelo na hindi pa napapanahon para magpatupad ng deployment ban sa Hong Kong.

Hong Kong rallies rally

Ayon kay Sec. Panelo, mahigpit ang ginagawang pagmo-monitor ng Department of Labor and Employment sa ating mga kababayan.

Kasabay nito, muling nagpaalala ang Malacañang sa mga Pilipino sa HK na umiwas sa mga matataong lugar at huwag makisali sa anumang demonstrasyon.

Hong Kong protest rallies demos