Sumali na rin ang VRP Medical Center sa Mandaluyong City sa humahaba pang listahan ng mga ospital sa bansa na nag-deklara ng “full capacity” sa mga pasilidad na inilaan para sa COVID-19 cases.
Sa isang statement sinabi ni Dr. Aileen Riego-Javier, medical director ng ospital, na bunsod ng pagdami ng kanilang inaalalayang COVID-19 cases ang pagdedeklara ng full bed capacity.
“Our Annex and the expanded screening area have triaged thousands of Covid 19 cases since March, and just like other hospitals, every day, our ER and ER Annex receive more suspected and confirmd COVID 19 patients.”
Ayon sa pamunuan ng ospital, pansamantala nilang ihihinto ang pagtanggap sa COVID-19 cases para matiyak din ang kaligtasan ng kanilang mga staff.
Sa ngayon itutuloy pa rin daw ng VRP Medical Center ang pagsasagawa ng COVID-19 testing para sa mga outpatients sa kanilang Annex o hindi kaya’t ER kung kinakailangan.
“And or ER patients requiring admission, we shall assist them in finding a hospital to transfer to.”
Sa nakalipas na mga araw, ilang pagamutan na rin ang nag-deklara ng full capacity sa kanilang mga kama na nakalaan para sa COVID-19 cases.