-- Advertisements --

Mariing kinondena ni Vice President Sara Duterte ang kaso ng pananambang sa isang government physician sa Mindanao.

Ang biktima ang kinilalang si Dr. Sharmaine Ceballos Barroquillo na tinambangan noong Pebrero 3, 2024.

Ayon kay Duterte, walang sinumang mga Pilipino ang dapat na dumanas ng karahasan sa kamay ng mga kriminal.

Ang naturang insidente na kinasangkutan ni Dr. Barroquillo ay isa lamang aniya sa mga insidente ng karahasan sa buong bansa na sumasalamin sa estado ng seguridad at kaayusan ng Pilipinas.

Tiniyak rin ng Bise na hindi titigil ang gobyerno hanggang mabigyan ng hustisya ang sinapit ni Dr. Barroquillo at managot ang mga gumawa nito sa kanya.

Nanawagan rin ito sa mga ahensya ng gobyerno na tiyaking ligtas ang mga mamamayan laban sa banta ng mga kriminal, terorista, at iba pang pwersa na nagnanais na takutin ang mamamayan at pahirapan ang bansa.

Hikayat naman ng bise ang lahat na magtulungan at huwag hayaang maghari ang mga kriminal sa ating mga komunidad.