Nakipagpulong si VP-Secretary Sara Duterte kasama ang mga opisyal ng Kagawaran ng Edukasyon ngayong araw, July 6,2022 upang talakayin at pag-aralan ang budget ng Kagawaran.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon na pinulong ni Duterte ang mga opisyal ng Kagawaran matapos maupo sa pwesto bilang kalihim.
Sa kabilang dako, sinimulan na rin ni Duterte ang pag roll out sa mga social services programs mula sa office of the vice president sa ibat ibang satellite offices sa bansa sa pamamagitan ng pagbibigay ng medical at burial assistance sa mga indibidwal na nangangailangan ng tulong.
Ayon kay vice presidential spokesperson Atty Reynold Munsayac, makukuha ang medical and burial assistance sa mga partner hospitals ng OVP o sa pamamagitan ng direct walk-in applications.
Inihayag din ni Munsayac, layon ng pagbubukas ng mga satellite offices ay para tulungan ang mga mahihirap nating mga kababayan lalo na yung mga nasa labas ng Metro Manila, para mapalapit at magiging accessible ang mga social services mula sa Office of the Vice President.
Giit ni Munsayac na ang mga naestablished na satellite offices sa ibat ibang lugar sa bansa ay lalo pang mapalawak ang programa at matiyak na naaabot ang mga tulong sa mga mahihirap.
Matatagpuan ang OVP satellite offices sa Dagupan, Cebu, Tacloban, Zamboanga, Davao at Tandag sa Surigao del Sur.
Dagdag pa ng tagapagsalita ni VP Sara na may plano pa ito na magbukas ng mga satellite office sa mga remote areas.
Ang Office of the Vice President’s medical and burial assistance programs ay pinondohan as subsidies sa ilalim ng Annual General Appropriations Act.