-- Advertisements --
RICE IMPORTED

Umabot na sa 2.68 million metriko tonelada ang bulto ng imported na bigas na dumating sa Pilipinas sa kabuuan ng kasalukuyang taon.

Ito ay batay sa datus ng Bureau of Plant and Industry – National Plant Quarantine Services Division, isa sa mga sangay ng Department of Agriculture.

Malaking bahagi ng naturang bulto ay nanggaling sa bansang Vietnam. Ito ay katumbas ng 2.4 million metriko tonelada o 89% ng kabuuang volume.

Kabuuang 13,579.39 MT o katumbas ng .5% ay nagmula sa India. Ang maliit na volume ay bago pa ang pagpayag ng India na magbenta muli ng malaking bulto

Kung maalala ay unang naglabas ng projection ang United States Department of Agriculture na maaaring manguna na ang Pilipinas sa mga bansa sa buong mundo na may pinakamataas na bulto ng inaangkat na bigas.

Bagay na pinabulaanan naman ng Department of Agriculture.

Ayon sa DA, ang malaking bulto ng supply ng bigas para sa konsumo ng mga Pilipino ay manggagaling sa produksyon ng mga lokal na magsasaka, kayat tiyak na mas mababa ang aangkatin ng Pilipinas mula sa ibang mga bansa, kumpara sa naging projection ng US.