Le Thi Thu Hang
-- Advertisements --

Nagsasagawa na ng pagpupulong ang gobyerno ng Vietnam para sa plano nilang pagpapaluwag ng pagpasok ng mga mamamayan mula sa China, South Korea at Japan.

Ayon kay Foreign Ministry spokesperson Le Thi Thu Hang, na ang pagbabalik ng biyahe ay base na rin sa pinaigting na disease prevention measures.

Ilan sa posibleng luluwagan na nila ay ang mga negosyante at mga skilled personnel na babalik sa Vietnam bast payagan din nila ng mga Vietnamese na makabalik sa kanilang trabaho sa ibang bansa.

Nasa 1,000 Chinese kasi ang nakatakdang pumasok sa Vietnam ngayong buwan sa pamamagitan ng train para magtrabaho sa industrial park sa central province ng Quang Ngai.

Ang mga ito ay isasailalim sa 14 na araw na quarantine pagdating nila sa nasabing bansa.

-- Advertisement --

Matapos kasi na magtala ng 335 na COVID-19 cases ay walang naitalang nasawi na sa mga nadapuan ng nasabing virus.