-- Advertisements --

Nangako ang Vietnam na magsusuplay sa Pilipinas ng 1.5 million metrikong tonelada ng bigas sa abot kayang presyo kada tao hanggang 2029.

Ito ay matapos lumagda ang Vietnam sa rice cooperation trade agreement sa Pilipinas sa katatapos na state visit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa naturang bansa.

Sa ilalim ng naturang kasunduan, sumang-ayon ang Vietnam para sa 5 taong pagsusuplay ng white rice sa pribadong sektor sa Pilipinas na nagkakahalaga ng 1.5 million hanggang 2 million MT kada taon sa competitive at abot-kayang presyo.

Ito ay para matiyak na mayroong patuloy na suplay ng pagkain sa gitna na rin ng epekto ng climate change, pandemiya at iba pang external events sa parehong bansa.

Base sa datos mula sa Preidential Communications Office, masa 90% ng rice imports sa PH ang kinukuha mula sa Vietnam.