LAOAG CITY – Usap-usapan ngayon sa Ilocos Norte ang video scandal ng isang Grade 9 at Grade 10 mula sa Sarrat National High School sa Sarrat, Ilocos Norte dahil nagse-sex ang mga ito habang pinapanood ng kanilang barkada.

Kinumpirma mismo ni Roy Pandarawan, ang guidance councilor ng nasabing paaralan na estudyante nila ang mga ito.

Ayon sa report, nangyari ang video scandal sa isang kubo-kubo sa likuran umano ng San Mateo Integrated School sa lungsod ng Laoag.

Napag-alaman na half-day lamang ang mga nasabing estudyante sa kanilang klase at pumunta sila sa nasabing lugar.

Makikita sa video na habang nagse-sex ang dalawang bata ay pinapanood at kinukuhanan sila ng video ng kanilang barkada.

Dahil dito, nanawagan si Dr. Vilma Eda, and DepEd superintendent sa Ilocos Norte sa mga magulang ng mga nasabing bata na gabayang mabuti ang kanilang anak matapos ang nangyari.

Inaasahang mag-uusap ang mga guro sa Sarrat National High School at magulang ng mga bata hinggil sa naturang iskandalo.