Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 o COMPREHENSIVE FIREARMS AND AMMUNITION REGULATION ACT at Omnibus Election Act ang isang vice mayoralty candidate at kasama nito matapos maaresto ng mga otoridad sa Barangay Pucay, Salug, Zamboanga del Norte.

Kinilala ang nasabing kandidato na si Retired Pol. Major Sergio Bihag, 57 anyos, tumatakbong Vice Mayor sa naturang lugar.

Nakuha mula rito ang isang caliber 38 revolver na may limang bala, isang submachine gun, magazine at mga bala.

Kasalukuyan ngayong nasa kustodiya ng Salug Municipal Police Station ang nahuling suspek kasama na ang mga nakumpiskang baril.

Pinuri naman ni Pol. Brig. Gen. Emmanuel Luis Licup ang Salug Police sa matagumpay na operasyon.