Reading Time: 1 minute

Pinayuhan ng isang political analyst si Marinduque Rep. Lord Allan Velasco na magbigay daan na lamang sa mga mas senior na kongresista para sa speakership post.

Sinabi ni Ranjit Rye na sa murang kakayahan ngayon ni Velasco, mainam daw na kung mag-obserba, makinig, at matuto raw muna ito sa Kamara.

Binigyan diin ng political analyst na ang speakership post ay para lamang daw sa aniya’y “seasoned politicians: na may sapat nang karanasan, karakter at integridad.

Nabatid na si Velasco at two termer congressman ng lalawigan ng Marinduque, at isa sa mga nagnanais na amging susunod na Speaker ng kamara.

Naging matunog din ang pangalan ni Velasco matapos na ayon sa ilang reports ay suportado raw siya ng ilang negosyante kagaya na lamang ni Ramon Ang.

Pero para kay Rye, ang kailangan ng Kamara ay isang Speaker na hindi madaling manipula ng mga negosyante.