-- Advertisements --

Ayaw munang magkomento ang Malacañang sa napaulat na si Marinduque Rep. Lord Alan Velasco na ang susunod na House Speaker kapalit ni Taguig Rep. Alan Peter Cayetano matapos ang pulong nila kagabi kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, bahala na ang liderato ng Kamara na mag-anunsyo sa resulta ng meeting kagabi.

Ayon naman kay Sen. Bong Go, si Speaker Cayetano ang nakatakdang magbibigay ng opisyal na anunsyo kaugnay rito.

Una ng inihayag ni Sec. Roque noong Miyerkules na nais ni Pangulong Duterte na igalang nina Cayetano at Velasco ang term-sharing agreement kung saan si Velasco na ang uupong speaker simula sa Oktubre.

Pero aminado umano si Pangulong Duterte na walang magagawa kung walang sapat na numero si Velasco para makuha ang speakership.