Blanko pa rin ang mga otoridad sa The Hague, Netherlands kung sino ang nasa likod ng pagnanakaw ng painting ni Vincent van Gogh.

Ayon sa The Singer Laren museum sa eastern Amsterdam na ang “Spring Garden” painting ng sikat na Dutch master ay ninakaw habang ipinapatupad ang lockdown.

Dagdag pa ni Museum director Evert van Os nagulat ang may-ari ng painting na sina William at Anna Singer matapos mabalitaan ang pagnanakaw sa painting.

Hindi naman binanggit ng mga otoridad kung magkano ang halaga ng nasabing painting.