LAOAG CITY – Mamayang hapon itinakda ng Ilocos Norte Police Provincial Office (INPPO) na mangharana sa pamamagitan ng binuo nilang banda ngayong Valentine’s Day.

Tila isang concert ang magaganap na panghaharana ng mga pulis at magbibigay pa sila ng mga bulaklak.

Ayon kay PMajor Rely Layug, tagapagsalita ng INPPO, mga tauhan nila ang bubuo ng banda para sa taunang selebrasyon ng Valentine’s Day.