ambush

CAGAYAN DE ORO CITY – May lead na umano ang pulisya sa mga responsable sa pag-ambush-patay sa mag-asawang sina Lumbaca Unayan Mayor Somerado Guro at Rohaifa Guro sa Barangay Iponan sa lungsod.

Ito ang ginawang pagsisiwalat ni city police director Col. Henry Dampal matapos pumanaw kahapon ang nasabing alkalde habang ginagamot sa hospital.

Hindi na nagbigay ng karagdagang detalye ang pulisya upang hindi masabotahe raw ang kanilang ginawang imbestigasyon.

Una nang ikinagulat ng pamilya ang biglang pagkamatay ni Mayor Guro lalo pa’t walang sinabi sa kanila na kritikal na ang buhay ng alkalde.

Hangad ngayon ng pamilya ng mga namatay na mabigyang hustisya ang sinapit ng mga biktima.

Una nang binuo ang Special Investigation Task Force Guro upang mapadali ang pagtukoy ng mga salarin at maisampa ang murder at double frustrated murder laban sa mga salarin sa piskalya ng lungsod.