BASKETBALL USA
-- Advertisements --

Inilabas na ng USA Basketball ang 57 na finalist na pagpipilian para makapaglaro sa Tokyo Olympics.

Sa nasabing bilang ay 42 dito ang naunan ng pinanagalanan noong Pebrero 10, 2020 bago pa kanselahin ang 2020 Olympics.

Nanguna sa mga listahan sina Los Angeles Lakers stars LeBron James at Anthony Davis, Golden State Warriors star Stephen Curry, Portland Trailblazers Damian Lilliard, James Harden at Kevin Durant ng Brooklyn Nets at maraming iba pa.

Tanging sina Marcus Smart at Klay Thompson ang nasa original list noong February 2020 na hindi na naisama sa pinakabagong listahan ngayong taon.

Ilan sa mga bagong nadagdag ay sina Zach LaVine ng Chicago Bulls, Julius Randle ng New York Knicks, John Wall ng Rockets, Zion Williamson ng New Orleans Pelicans at iba pa.

-- Advertisement --

Magiging coach naman ng USA Basketball team si Gregg Popovich.