Poppovich FIBA
USA Basketball team coach Gregg Poppovich

Naglabas na ng listahan si USA Basketball team coach Gregg Poppovich sa mga manlalaro na sasabak sa FIBA World Cup na gaganapin sa China sa katapusan ng buwan.

Pinangungunahan ito nina Kemba Walker (Charlotte Hornets) bilang point guard na magiging back up niya sa posisyon si De’Aaron Fox (Sacramento Kings) habang reserved point guard si Derrick White (San Antonio Spurs) .

Sa shooting guard ay napili naman si Donovan Mitchell (Utah Jazz) na kahalili niya si Joe Harris (Brooklyn Nets) .

Kabilang naman sa small forward sina Khris Middleton (Milwaukee Bucks), na back-up si Kyle Kuzma (Los Angeles Lakers) at reserve naman si Harrison Barnes (Kings).

Nanguna naman sa power forward si Jayson Tatum (Boston Celtics) at PJ Tucker (Houston Rockets) bilang back-up power forward habang center naman si Myles Turner (Indiana Pacers) na magiging back up center si Brook Lopez (Milwaukee Bucks) .

Ilan sa mga nakikitang advantage ng mga manlalaro na kaniyang napili ay ang kakayahan ng kaniyang mga center na makapag-three points.

Ang nasabing listahan ay napili mula sa ilang linggong isinagawang ensayo ng Team USA ngayong buwan.

Resulta rin ito ng ilang mga manlalaro ang umatras sa pagsali sa paglalaro sa FIBA World Cup.

Nakatakdang magtungo rin ang USA Basketball team sa Australia para sa gagawing training camp.