-- Advertisements --

Nanawagan ang US State Department sa China na itigil ang mapanganib at destabilizing action nito laban sa Pilipinas sa pinagtatalunang karagatan.

Ito ay kasunod ng pagbangga ng China Coast Guard sa BRP Sindangan ng PCG at pagbomba sa resupply boat na Unaiza may 4 habang nagsasagawa ng roatation at resupply mission sa Ayungin shoal nitong araw ng Martes.

Kinondena din ng US State Department ang aksiyon ng China na nagpakita ng pagbalewala sa seguridad at kabuhayan ng mga Pilipino at sa international law.

Inihayag ni US State Department spokesperson Matthew Miller na sa naging hatol ng international tribunal noong 2-16 na walang lawful maritime claims ang China sa karagatan sa paligid ng Ayungin na malinaw na nasa loob ng exclusive economic zone ng PH.

Sa prss briefing, sinabi pa ni Miller na sa ilalim ng US-PH Mutual Defense Treaty saklaw ang anumang armadong pag-atake sa mga sasakyang pandagat ng PH kabilang na ang coast guard saanman sa disputed waters.

Kung saan minamandato ang Us na suportahan ang PH sakaling magkaroon ng pag-atake.

Samantala, tumanggi naman ng magbigay ng komento ang US official kung maguudyok sa treaty ang panibagong panghaharass ng China sa mga barko ng PH na nagresulta sa minor damage at injuries sa Navy personnel ng bansa.