Cyber threat Microsoft
Microsoft cyber threat

Inanunsiyo ng US Treasury Department na kanilang pinatawan ng bagong sanctions ang Russian-based cybercriminal organization na “Evil Corp”.

Ito ay dahil sa gumamit ang nasabing grupo ng malware para nakawan ang mahigit $100 million mula sa ilang daang banko at financial institution.

Dagdag pa ng Treasury Department, na tinawag na Dridex ang ginamit na malware ng Evil Corp para ma-infect ang computers at makuha ang mga login credentials mula sa banko sa 40 bansa.

Desidido naman si Treasury Secretary Steven Mnuchin na kanilang ipapasara ang nasabing Russian-based hacker group.