Naharang ng mga otoridad sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 ang isang sanggol na isinilid sa bagahe.

Nabatid na pag-aari ni Jennifer Erin Talbot na isang US national ang luggage.

Nabigo naman ang banyaga na makapagbigay ng mga kinakailangang dokumento para pahintulutan siyang magdala ng sanggol na Filipino.

Kinuwestyon din ng Bureau of Immigration (BI) ang paraan ng paglalagay sa isang buhay na tao sa loob ng maleta.

Batay sa patakaran ng airport, dapat nakadeklara at may kanya-kanyang dokumento ang bawat taong sumasakay ng paliparan.