Hindi pa rin pinapasok ang US Centers for Disease Control and Prevention sa China.

Ito ay matapos ang anim na linggo na ng nag-alok ng tulong ang US CDC sa China para tulungan sila sa pagsusuri at makahanap na rin ng gamot sa nasabing virus.

Ayon pa sa CDC na wala pa silang natatanggap na katugunan sa sulat na kanilang ipinasa sa Chinese government noon pang Enero.

Umaasa naman ang CDC na papayagan silang makapasok sa China para makatulong sa paghahanap ng gamot sa nasabing virus.