Magbibigay ang Estados Unidos ng P139 million o $2.7 million sa Pilipinas bilang suporta sa ginagawang hakbang ng pamahalaan kontra COVID-19.
Sa isang statement, sinabi ng US Embassy na ang tulong na ito ng Estados Unidos ay makakatulong sa pagpapalakas sa specimen transport system at laboratory capacity ng Pilipinas.
Bukod dito, makakatulong din aniya ang aid na ito sa pagprotekta sa mga health workers at pasyente sa pamamagitan na available ang mga hygiene products, masks, waste management supplies at iba pa.
“The U.S. government, through the U.S. Agency for International Development (USAID), will collaborate with Philippine government counterparts to establish and implement internationally-recognized infectious disease threat prevention and response strategies, and enhance infection control,” giit ng embahada.
Target din ng funding na ito na palawakin ang disease preparedness at access sa tubig, sanitation, at hygiene services at commodities ng mga komunidad.