-- Advertisements --

Luluwagan ng US ang kanilang coronavirus travel restrictions.

Nakatakda nilang papasukin ang mga pasahero mula sa United Kingdom, European Union at ibang mga bansa.

Pagdating kasi sa Nobyembre ay tanging mga bakunadong biyahero mula sa nasabing mga bansa ang papayagang makapasok sa US.

Ayon pa sa White House na dapat ay sumailalim ang mga ito sa testing at contact tracing.

Mula pa kasi noong nakaraang taon ay nagpatupad na ang US ng paghihigpit sa pagpapasok sa ilang mga bansa.

-- Advertisement --

Dagdag naman ni White House COVID-19 coordinator Jeff Zients na ang bagong international air travel system ay base sa kalagayan ng tao imbes sa bansa.

Hindi na rin aniya isasailalim sa quarantine ang mga fully-vaccinated na indibwal.

Hindi naman ipapatupad ang bagong restrictions sa land bording crossing gaya ng mga galing sa Mexico at Canada.