Oman strait
Homuz Strait

Kinondina ng US ang ginawang pagkumpiska ng Iran sa isang oil tanker na may lamang 1 milyong litro ng smuggled fuel.

Ayon sa pahayag ng US State Department, nararapat daw itigil na ng Iran ang ginagawa nitong pangha-harass sa dumadaang tanker.

Mapipilitan aniya ang US na gumawa ng karampatang hakbang kung magmatigas ang Iran sa ginagawa nito.

Sa lumabas na video ay makikitang pinaligiran ng Islamic Revolutionary Guard Corps ng Iran ang isang sinasabing UAE-owned tanker na may 12 crews.

Mariing pinabulaanan naman ng Iran na sila ang nasa likod sa pag-atake.