-- Advertisements --

Ikinokonsidera ni US President Joe Biden ang posibilidad ng airdropping sa mga humanitarian aid ng US military planes sa Gaza dahil sa pahirapang paghahatid ng nasabing mga tulong kung by land.

Nasa 576,000 katao na sa Gaza strip, isang kwarter ng populasyon doon ay pinangangambahang makaranas ng kagutuman dahil sa ilang mga hadlang na kinakaharap ng aid groups para madala ang mga kinakailangang suplay sa Gaza.

Sinabi naman ng ilang American officials na mayroon lamang limitadong epekto ang aid airdrops dahil ang maaari lamang maibaba ng military plane na mga suplay ay katumbas ng hinahatid ng 1 o 2 trucks.

Sa kasalukuyan, batay sa datos mula sa health ministry sa Gaza, sumampa na sa 30,000 Palestino ang nasawi dahil sa nagpapatuloy na digmaan sa pagitan ng Hamas at Israeli forces.