-- Advertisements --

Binigyang diin ng US Food and Drugs Administration na hindi nila aprubado ang pag-inom ang Ivermectin para sa pag-iwas o paggamot ng COVID-19 sa mga tao.

Ivermectin file

Ginawa ito ng FDA matapos na mapaulat na mayroong ilang indibidwal na ang nalason makalipas na uminom ng Ivermectin na para sana sa pagpurga ng mga kabayo.

Sinabi ng FDA na ginagamit lang din ang Ivermectin para sa mga treatment ng parasitic worms, kuto at skind conditions tulad ng rosacea.

Para naman sa mga tao na mayroong reseta para gumamit ng Ivermectin, sinabi ng FDA na dapat sa mga legitimate sources lamang ito kunin at dapat gamitin base sa prescription ng doktor.

Peligroso din anila kapag uminom ng maraming doses ng ivermectin kaya dapat matinding pag-iingat ang gawin ng mga taong gumagamit nito.

-- Advertisement --

Hindi rin aniya dapat ginagamit ng tao ang mga gamot na para lamang sa hayop dahil magkaiba ang mga ito sa mga gamot na aprubado para gamitin ng tao.

Magugunita na sa mga nakalipas na buwan ilang kongresista sa Pilipinas ang nag-oorganisa ng mga aktibidad kung saan ipinapamahagi ang ivermectin.

Sa ngayon, pinapayagan ng FDA sa Pilipinas ang compassionate use ng Ivermectin para sa COVID-19 patients habang hinihintay ang mas malinaw na clinical trials hinggil sa kaligtasan at bisa nito.