Reading Time: 1 minute
Gloria Vanderbilt
Gloria Vanderbilt

Pumanaw na ang tinaguriang US fashion icon at artist na si Gloria Vanderbilt sa edad 95.

Mismong ang anaki nitong sikat na TV anchor na si Anderson Cooper ang nagkumpirma sa pagpanaw ng ina sa kanilang bahay dahil sa stomach cancer.

Kilala din si Vanderbilt bilang “poor little rich girl” na siya ang great-great-granddaughter ni Cornelius Vanderbilt isang 19th Century tycoon.

Makailang beses na ikinasal ang socialite na nakilala mula 1970’s hanggang 80’s bilang jeans designer.

Itinuturing ng iba na siya ay painter, writer, designer na isang ina, asawa at kaibigan.