Nagpaabot din nang pagkabahala ang Amerika sa pamamagitan ng kanilang embahada sa Pilipinas kaugnay sa presensiya ng daan daang mga Chinese militia sa karagatang sakop ng Pilipinas.
Sa isang statement, tiniyak ng US Embassy na nakatutok din sila sa diplomatic protest na inihain nina Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. at Defense Secretary Delfin Lorenzana.
Ang naturang protesta ay nananawagan din sa China na i-recall o paalisin ang nasa 220 na mga bangka na nasa Julian Felipe Reef.
Ang reef ay nasa loob ng West Philippine Sea, sa ilalim ng exclusive economic zone (EEZ).
Ayon sa US Embassy nasa likod sila sa mga hakbang ng Pilipinas na pinakamatagal ng kaalyado sa Asya.
Naniniwala rin ang Amerika na ginagawa ng China ang kanilang maritime milita upang manakot sa iba pang mga bansa.