US EMBASSY
US Embassy / FB image

Kinansela na ng US Embassy sa bansa ang lahat ng visa interviews para sa mga immigrants at nonimmigrants visas ng hanggang June 11 dahil sa community quarantine na ipinapatupad sa bansa.

Sa inilabas na kalatas ng US Embassy na kanilang itutuloy na ang nasabing serbisyo sa mga susunod na araw pero hindi naman binanggit kung kailan ang petsa nito.

Magiging libre aniya ang rescheduling ng mga appointiment sa US Embassy.

Habang ang visa application fee ay magiging valid ng isang taon.