Itinuturing ni Defense Secretary Marke Esper na isang maling hakbang ang ginawa ni Pangulong Rodrigo Duterte na pagkansela saVisiting Forces Agreement sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos.

Binigyang diin ni Esper na ang naturnag kasunduan na kaisa ng Pilipinas ang Amerika sa pagpapatibay ng kanilang presensya sa South China Sea maging ang pakikipag-negosasyon nito sa China na sundin ang international law pagdating sa paksa ng territorial issues.

-- Advertisement --

“As we try to bolster our presence and compete with (China) in this era of great-power competition, I think it’s a move in the wrong direction, again for the long-standing relationship we’ve had with the Philippines, for their strategic location, for the ties between our peoples and our countries,” saad ni Esper.

Ayon sa defense secretary, labis umano nilang ikinadismaya ang desisyon ni Pangulong Duterte dahil nilagay daw nito sa kapahamakan ang matagal nang relasyon sa pagitan ng Amerika at Pilipinas.

Sa kabila nito ay sinigurado ni Esper na patuloy silang makikipagtulungan sa gobyerno ng Pilipinas upang ipagpatuloy ng magandang samahan na nasimulan ng dalawang bansa.

Una nang sinabi ni Pangulong Duterte na mas papaburan umano nito ang relasyon ng Pilipinas sa China at Russia kaysa sa kasunduan nito kasama ang Estados Unidos.