Joe Diffie
Joe Diffie

Patay ang country singer na si Joe Diffie dahil a coronavirus sa edad 61.

Noong nakaraang linggo lamang ay naging positibo sa nasabing virus subalit makalipas ang ilang araw ay hindi na nito nakayanan ang nasabing sakit.

Sumikat ito noong dekada 90 sa ilang mga kanta gaya ng “John Deere Green” at ” If the Devil Danced (In Empty Pockets)”.

Ipinanganak ang singer na si Joseph Logan Diffie sa tunay na buhay sa Tulsa at lumaki sa Velma, Oklahoma.

Taong 1998 na manalo ito sa Grammy award sa Best Country Collaboration with vocals sa kantang “Same Old Train” kasama sina Merle Haggard, Clint Black, Emmylou Harris at maraming iba pa.