-- Advertisements --

Pinalitan na ng US country band Dixie Chicks ang kanilang pangalan.

Ayon sa banda, tatanggalin na nila ang ‘Dixie’ sa kanilang pangalan at magiging “The Chicks” na lamang sila.

Ang nasabing hakbang ay para mabigyang halaga ang racial inequality sa US.

Ginagamit kasi ang salitang ‘Dixie’ sa southern state na bumuo sa Confederate States of America noong kasagsagan ng US Civil War.

Kasabay ng pagpapalit ng pangalan ay inilunsad ng Texas trio singers ang bagong kanta nilang “March, March”.

-- Advertisement --