Muli na namang dinampot ng mga otoridad sa Florida si dating boxing world champion Adrien Broner.

Batay sa report, inaresto si Broner dahil sa kasong driving under the influence, o pagmamaneho ng lasing.

Nakatakda namang maglagak ng piyansa si Broner na aabot sa $1,000 o mahigit P50,000.

Nitong Disyembre nang pinagbayad ng korte ang tinaguriang “The Problem” ng $830,000 sa isang babaeng umano’y binastos nito sa isang nightclub sa Cleveland.

Matatandaang huling tumapak sa boxing ring ang 30-anyos na si Broner noong Enero 2019, nang tinalo ito ni Pinoy ring superstar Sen. Manny Pacquiao.