Nakatakdang bumili ang US ng nasa 200 milyon doses ng COVID-19 vaccine na gawa ng kumpanyang Moderna.

Ayon sa Moderna na kabilang na bibilhin din ng US ang experimental shot na kasalukuyang ginagawa.

Dahil sa nasabing bilang ay aabot na sa 500 milyon doses ang inorder na ng US mula sa kanila.

Ang kanilang bakuna ay maaaring gamitin sa mga bata o maging booster shots.

Noong Agosto 2020 ay pumirma ng $1.53 billion na kontrata ang US government sa Moderna para sa 100 milyon vaccine doses.

Nabigyan na rin ng emergency use ang Moderna sa US na gamitin ang bakuna sa mga may edad 12 hanggang 17.