GENERAL SANTOS CITY – Matapos marekober ang siyam na mga bangkay kasama si Kobe Bryant wala pang ipinalabas resulat sa dahilan nang pagbagsak ng helicopter.

Iniulat ni Josephine CariƱo Turner mula sa Atlanta, Georgia na nakilala na ang lahat na bangkay na sakay sa nasabing helicopter subalit walang lumabas na balita kung ano ang puno dulo ng trahedya.

Posible umanong ilagay na lamang sa casket si Kobe at iba pang bikitma matapos hinihingi ng mga fans ang public viewing.

Sinabi din ni Turner na kalat din ang naglabasan na mga video sa pag-crash ng helicopter.

Pero hindi umano tugma sa chopper ni Kobe ang ilang video na lumabas dahil ang tail end sa S-76 ng basketball star ay kulay pula at fake umano ang pangalawang video dahil hindi sa lugar ang ginamit na venue.

Duda pa ito na gusto lamang ng Facebook user na dumami ang viewers sa paggawa ng ibang senaryo.