-- Advertisements --

Nasa bansa ngayon ang US Los Angeles Class Attack submarine na USS Bremerton para sa isang routine port visit kaugnay ng deployment nito sa Indo-Pacific region.

Dumating kahapon sa Subic Bay Freeport ang naturang US submarine.

Sa pahayag na inilabas ng US Embassy, ang pagbisita ng nasabing submarine ay symbolo ng matatag na relasyon ng Pilipinas at Estados Unidos, at patunay ng commitment ng Estados Unidos sa regional stability at maritime security sa area of operations ng US 7th Fleet.

Magkakaroon din ng pagkakataon ang crew ng USS Bremerton na makasalamuha ang mga lokal na komunidad sa Subic.

Ayon kay Cmdr. Travis Zettel, commanding officer ng USS Bremerton, il
an sa 150 miyembro ng submarine crew ang may mga pamilya na rin sa Pilipinas.

-- Advertisement --

Ito na aniya ang ika-9 na pagbisita ng USS Bremerton sa Subic sa 37-taong kasaysayan ng submarino.

Ang USS Bremerton ang pinakamatandang commissioned submarine sa US Navy, na ang home base ay sa Pearl Harbor, Hawaii.