Naharang ng US at Canadian jets ang dalawang Russian reconnaissance aircraft sa karagatan sakop ng Alaska.

Ayon sa North America Aerosapace Defense Command o NORAD, habang nagpapatrolya ang kanilang US F-22 stealth jets at Canadian CF-18 fighters ay nakita nila ang dalawang Russian Tu-142 maritime reconnaissance aircraft na pumasok sa Alaskan Air Defense Identification Zone.

Nanatili ito sa International airspace sa Beaufort Sea na malapit sa 50 nautical miles ng Alaska coast ng halos apat na oras.

Agad nilang sinamahan ang Russian jets palabas sa lugar.